43

Jun 19, 2021 @ 10:13
By

Lea Salonga tinurukan ng Pfizer sa Muntinlupa

Nabakunahan na laban sa COVID-19 si Broadway star Lea Salonga.

“First dose, done! #BakunadoProtektado #Pfizer,” sabi ng aktres sa Facebook.

Bahagi si Lea ng A3 priority group o persons with comorbidities.

Nabakunahan siya ng Pfizer-BioNTech vaccine sa Festival Mall covered parking area.

Gaya ng iba ay naghintay at pumila rin si Salonga dala ang kanyang medical certificate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?