44

Sep 26, 2021 @ 18:26
By

Lea Salonga magbabalik sa Tony Awards

Muling bibida si Lea Salonga sa pretihiyosong 74th Tony Awards bilang celebrity presenter.

Gaganapin ang Tony Awards sa New York, USA sa Lunes (oras sa Pilipinas).

Ibinahagi ito ni Lea sa kanyang Twitter account noong Biyernes.

“The cat’s out of the bag! I’ll be presenting at [the] Tony Awards on Sunday!” pahayag ng singer.

Inanunsyo rin ito sa Twitter account ng Tony Awards.

“The stars! The glamour! The performances! Even more names plus top musical moments are announced for Sunday’s Tony Awards,” saad sa tweet kung saan pinakita ang larawan ni Lea.

Unang tumuntong sa entablado ng Tony Awards si Lea noong 1991 para tanggapin ang parangal na Best Actress in a Musical para sa pagganap niya ng Kim sa ‘Miss Saigon.’

Dahil doon, si Lea ang unang Asian actress na nag-uwi ng Tony Award. (MJD)


Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?