24

Nov 24, 2021 @ 15:44
By

Lazada sa Pinoy: Mag-ingat sa nagpapanggap na tauhan sa text scam

Nagbabala ang Lazada Philippines sa lumalaganap na text scams kung saan may nagpapanggap bilang tauhan ng kumpanya.

Sinabi ng Lazada, isa itong scam kung saan hihikayatin ang pinadalhan ng text message na sumali sa raffle o magbibigay ng pekeng trabaho na may malaking sahod.

“Lazada would like to call the public’s attention to recent scams in the form of text/SMS messages. These scams attempt to pass themselves off as official Lazada communication or impersonate Lazada personnel, enticing customers to participate in fake promotions or raffles or respond to job opportunities,” pahayag ng Lazada sa kanilang official statement.

Dagdag pa ng Lazada na direktang makipag-ugnayan sa pamamagitan ng Lazada app, website, o mga opisyal na channel kapag nakatanggap ng text mula sa scammer.

“We would like to remind the public that Lazada will never send messages via text/SMS, instant messaging or social media apps requesting your personal or Lazada account details,” saad nito.

Ayon sa Lazada, nakikipagtulungan na ito sa mga lokal na ahensya at Telecommunications partner upang mapigilan na ang ganitong panloloko. (Sherrylou Nemis)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?