8

Nov 7, 2020 @ 17:36
By

Laya na umulit sa krimen babarahan sa plea bargaining

Plano ng Philippine National Police (PNP) na huwag nang papasukin sa plea bargaining agreement ang isang nakalaya na pero hindi pa rin huminto sa iligal na gawain at muling naaresto.

Kasunod iyon ng pagkakaaresto sa mahigit 3,000 suspek na maagang napalaya dahil sa plea bargaining agreement pero nakulong uli matapos bumalik sa iligal na aktibidad.

Ayon kay PNP spokesman Police Col. Ysmael Yu, kabilang ang 3,038 suspek sa 19,947 suspek na pinayagang makalaya at makapagbagong-buhay.

Ani Yu, sa datos mula sa PNP Crime Information Reporting and Analysis System, 66 sa mga repeat offender ay humihirit uli ng plea bargaining agreement.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?