39
lavar-ball-julius-randle
Mar 4, 2018 @ 19:35
By

Lavar Ball bumilib kay Julius Randle

May manok si LaVar Ball bilang pinakamatinik na player ng Los Angeles Lakers sa kasalukuyan.

Hindi ang kanyang anak na si rookie point guard Lonzo Ball, kundi si Julius Randle.

“Julius Randle, in the beginning, they was ready to trade him,” lahad ni LaVar sa Delfi TV sa Lithuania. “I told them from the beginning, ‘He’s your best player on the team on the fact that he stronger and faster than everybody on the team.”

Ayon pa sa Big Baller Brand CEO, kailangan lang pakawalan si Randle para mailabas ang maangas na laro.

“You gotta let him loose,” aniya. “Just because he make a few mistakes, don’t be like, ‘Hey, you gotta get out, you got an attitude. I’m a bring you off the bench.’ Now, he’s starting and doing wonders.”

Sa 131-113 win laban sa Miami noong Huwebes ay kumana si Randle ng 25 points mula sa 8 of 13 shooting, perpektong 9 for 9 sa free throw line.

“Just give him the ball and get out of the way,” dagdag ni Ball pagkatapos ng Heat game ng Lakers. “The way Julius scores, he go through everybody. Just get out of his way and let him work.”

Antayin natin ang sasabihin ni LaVar kapag nabusisi ang stats ng anak na si Lonzo sa 116-112 win ng Los Angeles kontra San Antonio nitong Sabado. Tumapos si Lonzo ng 18 points, 6 of 10 sa 3-point range – tatlo rito sa final 3 minutes. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?