627

By

‘Lava Walk’ ni Catriona Gray, patok sa madla!

Marami ang napa-wow ng tila nag-slow motion ang buong universe sa naging pagrampa ni Catriona Gray sa Miss Universe preliminary competition sa swimsuit event.

Sa naging salang ni Catriona, mabilis na nag-trending ang kanyang rampa na pinangalanang ‘Lava Walk’ na tila dinala ang Bulkang Mayon sa Thailand.

Kaya kahit prelims pa lang ay nakakakutob na ang mga beauty pageant fans na malaki ang tsansa nito na manalo sa kompetisyon.

Sa Lunes, Disyembre 17 na malalaman kung magkakaroon na ba ang Pilipinas ng ikaapat na Miss Universe kasunod ng 2015 titleholder na si Pia Wurtzbach.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?