53

Jul 17, 2018 @ 11:41
By

Lava bomb tumama sa Hawaii tour boat, 23 sugatan

Nasapol ng binugang lava ng bulkang Kilauea sa Hawaii ang isang tour boat nitong Lunes na ikinasugat ng may 23 katao.

Ayon sa Hawaii County Fire Department, nabutas ng lava ang bubong ng bangka kaya’t ibinalik na ito sa Wailoa Harbor.

Ginagamot na sa Hilo Medical Center ang nasugatang 13 na pasahero habang ang 10 na iba pa na nagtamo lang ng mababaw na sugat ay nilunasan na sa Wailoa Harbor.

Isang babae na nasa 20s ang edad ang nasa kritikal na kondisyon dahil sa pagkabali ng buto nito sa hita habang ang tatlo pang pasahero ay stable na ang kondisyon.

Sakay umano ang mga pasahero ng tour boat para panoorin ang pagbagsak ng lava sa karagatan na ibinubuga ng bulkang Kilauea.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?