131
Lauren Young nagsalita sa sakitan isyu nina Elmo-Janella
By

Lauren Young nagsalita sa sakitan isyu nina Elmo-Janella

Muling naungkat ang bugbugan isyu kina Elmo Magalona at Janella Salvador dahil sa pagbibigay ng kanyang panig ni Lauren Young hinggil dito.

Ani Lauren sa Pep, dati umanong nag-date sila ni Elmo at kailanman ay hindi siya sinaktan nito.

Hanggang ngayon din umano ay malapit ito sa mommy ni Elmo na si Pia Magalona, na talent manager niya.

Sinabi rin ng younger sister ni Megan Young na “none of her business” ang isyu kina Elmo at Janella dahil hindi niya personal na kakilala ang huli.

Para sa kanya umano ay siguradong may nagsisinungaling sa dalawa.

Hindi nakaligtas sa ilang fan ni Janella ang pahayag na ito ni Lauren at tinawag pa itong sawsawera.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?