200

Jun 5, 2020 @ 14:09
By

Lauren Young: Ang bobo ni DJ Loonyo!

Isa ang aktres na si Lauren Young sa mga nagpatama kay DJ Loonyo dahil sa naging pahayag nito ukol sa mass testing.

Noong Miyerkoles ay nag-trending ang viral dancer dahil sa mga komento nito tungkol sa mass testing, sinabi na ‘trial and error’ umano ito at may iniinom daw ang sasalang sa nasabing proseso.

“Kaya kawawa ‘yung magi-intake, kawawa ‘yung maga-undergo nun kasi it’s not 100% proven. It shouldn’t be mandatory; it should be encouraged. Depende na sa’yo kung gusto mong i-test ‘yung sarili mo or gusto mong paniwalaan ‘yung ano nila. But for me, why would you test me? I’m a human being, I will react kung ano ‘yung papainom mo sa’kin. Pa’no ‘pag ‘yung papainom mo sa’kin, magre-react nang medyo malala ‘yung katawan ko? So I’m dead,” ayon kay DJ Loonyo.

Nang makita naman ito ni Lauren, kapatid ng Miss World 2013 na si Megan Young, nasabihan nito na ‘bobo’ ang influencer dahil sa kanyang pagkakaintindi sa mass testing.

“Ang bobo shet ang bobo. Flatearther ka rin ba koyah??” ayon kay Lauren.

Aniya pa, nagpi-feeling matalino lang umano si DJ Loonyo sa kanyang mga pahayag para maipakitang may alam ito sa isyu.

“I feel like in the case of Loonyo he really just wants to sound smart but lacks the patience to sit, read and understand. Gusto lang magkaroon ng opinion for the sake of it?”

Humingi na ng paumanhin si Loonyo sa kanyang mga nasabi, at nalinaw na ‘clinical trial’ umano ang pinapatungkulan niya at hindi mass testing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?