25

By

Laure muling hahataw sa Foton

Sharing is caring!

Muling maglalaro si EJ Laure para sa Foton Tornadoes sa darating na 2018 PSL All-Filipino Conference.

Sinabi ng Foton sa kanilang Facebook na magbabalik si Laure matapos pagalingin ang kaniyang shoulder injury. Hindi nakapaglaro si Laure sa dalawang naunang conference ng PSL at sa UAAP Season 80.

Makakasama ni Laure sina Dindin Santiago-Manabat, Ivy Perez, Gyzelle Sy at Maika Ortiz. Umalis na rin ng La Salle si two-time champion Arianne Layug para makapaglaro sa PSL.

Pansamantalang mawawala sina Jaja Santiago dahil maglalaro siya sa Japan at si Bea de Leon dahil sa UAAP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?