75

Laura Lehmann bigo sa Miss World 2017

Sharing is caring!

Maagang umexit sa Miss World 2017 ang pambato ng Pilipinas na si Laura Lehmann.

Ang TVT personality at dating courtisde reporter na si Lehmann hindi nakapasok sa Top 15 matapos makalusot sa Top 40.

Gayunpaman, may konsolasyon na nakuha si Lehmann sa matapos manalo sa Beauty with a Purpose” competition kasama ang India, Indonesia, South Africa, and Vietnam.

Matagumpay na naikampanya ni Lehmann ang pagtayo ng milk bank para sa pediatric ward sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center.

Si Manushi Chhillar of India ng India ang kinoronahan bilang Miss World 2017. Pang-anim na ito ng India sa Miss World.

Pumangala si Andrea Meza ng Mexico at pangatlo si Stephanie Hill ng England.

Ginanap ang Miss World 2017 sa Sanya, China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?