17

By

Laura Lehmann aminadong ‘bano’ sa aktingan

Sharing is caring!

Handa na raw pasukin ni Laura Lehmann ang pag-aartista. Pumirma ng management contract si Laura with GMA Artist Center at excited na raw itong simulan ang mga project na naka-lineup sa kanya.

Kasama raw rito ay ang pag-host sa mga event ng GMA-7 at ang paggawa ng teleserye.

“I’m excited to start a new career. I hope that I make an impression kasi I love hosting and I will eventually like to act din sa TV dramas,” sabi ni Laura.

Nakapag-acting workshop na raw si Laura at aminado siya na hindi pa siya satisfied sa kanyang naipakitang acting talent sa ngayon.

“I need to let things loose. Put my hair down.

“Ang comment nila sa akin is masyado pa akong naghu-hold back. Gusto nila kung papasukin ko ang acting, I have to give it my all. Hindi 25 percent or 50 percent kailangan 100 percent.

“I still have time to work on that and hopefully, magawa ko naman,” diin pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?