140

Oct 2, 2017 @ 13:35

Laura Lehman, napagkamalang bading!

Pinag-usapan din doon ang ka-date ni Diether Ocampo na si Ms. World Philippines Laura Lehman. Kahit sa mga nakikita naming ipinu-post sa social media, hindi maganda ang ayos ng naturang beauty queen. Mukha siyang bading na sasali sa Ms. Q & A ng It’s Showtime.

Nakakaintriga naman daw bakit hindi naman magkasamang dumating sina Piolo Pascual at Shaina Magdayao. Naunang dumating si Piolo na mag-isa lang hindi kasama si Shaina.

“Si Shai should be… nandiyan lang siya,” sagot lang nito nang tinanong bakit wala pa si Shaina. Sa loob na lang daw sila magkita.

Ang pinakahuli raw na dumating sa red carpet ay ang mag-asawang Oyo Sotto at Kristine Hermosa. Sabi ng ilang observers, at least nakumpleto raw itong taong Star Magic Ball dahil dumating ang mga poste ng Star Magic na sina Heart, Kristine at pati si Claudine Barretto.

Hindi nga lang maganda ang feedback kay Claudine na talagang namimintog sa suot niyang gown. Sabi nga ng ilang matataray doon, at least hindi naman daw nila na-miss si Sharon Cuneta nang dumating si Claudine.

Sobrang excited at ninerbiyos daw siya dahil walong taon din daw siyang ‘di nakadalo sa taunang selebrasyon ng Star Magic. Doon na rin sinabi ni Claudine na may gagawin siyang project sa ABS-CBN 2.

“Malalaman ko mamaya,” nakangiting sambit ni Claudine.

Kung siya raw ang tatanungin, gusto raw sana niyang makatrabaho sa isang project na teleserye sina Julia Montes at siyempre ang pamangkin niyang si Julia Barretto, at pati na rin si Arjo Atayde.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?