106

Jul 21, 2021 @ 12:10
By

Late sinabi kay Yorme! Maynila nangapa sa Delta variant

Ilang linggo ang nakalipas bago malaman ng lokal na pamahalaan ng Maynila na may nagpositibo na pala sa Delta variant sa kanilang lungsod.

“Wala po kaming information. In fact, 3 weeks after June 26 pa namin nalaman na mayroong Delta,” saad ni Manila Mayor Isko Moreno.

Isa sa mga kaso ng Delta variant sa lungsod ay isang 58-anyos na ginang mula Pandacan, Manila, na nasawi noong June 28.

Saad pa ni Moreno, sa ngayon ay wala pa umanong update ang Department of Health (DOH) tungkol sa Delta variant sa capital city.

“Ngayon, wala kaming update… Three weeks after… Eh ‘di magagaling na lahat yun? It doesn’t make sense,” sambit pa ng alkalde.

Dagdag ng alkalde, kanila nang nai-test ang mga close contact ng Delta carrier sa Maynila, wala rito ang nagpositibo sa COVID-19.

Tinitingnan ni Moreno kung maaari silang bumili ng sariling makina para sa genome sequencing.

Sa huling datos ng DOH, 35 na ang kaso ng Delta variant sa Pilipinas, walo dito ang active case o iyong hindi pa nagnenegatibo sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?