2,894

Feb 22, 2020 @ 16:36
By

Late nagpa-reserve! ABS-CBN ‘wag sisihin sa hindi napalabas na Duterte campaign ads – report

Madalas patamaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ABS-CBN sa hindi pagpapalabas ng kanyang campaign advertisement noong 2016 presidential election.

Ngunit ayon kay Philippine Star columnist Boo Chanco, hindi dapat ang Kapamilya network ang sisihin ng Pangulo.

Ayon sa kanyang February 21 column, late nagpa-reserve ang kampo ni Duterte para sa campaign ads, dagdag pa riot na hindi pa umano ito aprubado ng Comelec pati na rin na matatapos na rin ang period sa pagpapalabas ng political advertisement.

“By the time they got Comelec clearance, all available commercial slots had been taken,” ayon kay Chanco.

Sinubukan umano ng network na isoli ang P2-million na binayad ng kampo ni Duterte ngunit hindi muna nila ito tinanggap.

“The network tried to return the P2 million but was told to hold it for the meantime. In a weird twist of events, the network was accused of estafa,” ayon pa kay Chanco.

Ilan pa sa nagpatama sa ABS-CBN ay si Presidential Spokesperson Salvador Panelo, maging si House Speaker Alan Peter Cayetano, na tinawag na bias ang network.

“Noong 2010 at 2016 election, yung pakikialam sa eleksyon malaking isyu yun, meron tayong Fair Election Act, may batas tayo na ang media hindi pwedeng hindi patas kapag eleksyon,” ayon kay Cayetano sa dating panayam.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?