5

Oct 6, 2020 @ 21:28
By

Late na player pwede pa sa PBA bubble

Magpapapasok pa rin ang PBA ng mga manlalaro sa bubble kahit pa nahatid na ang mga at halos lahat ng player sa Clark, Pampanga.

Hanggang October 10 unang pinayagan ang pagpasok sa bubble, pagtapos nito ay isasarado na ng liga sa kahit sino ang kanilang hotel at venue.

Ngunit ayon kay PBA deputy commissioner Eric Castro, wala munang deadline para sa pagpapapasok ng mga male-late basta’t kasama sa 25-man lineup na sinumite ng mga koponan.

Aniya, ang bawal lang ay kapag umalis sa bubble, hindi na pupuwedeng makabalik.

“Ang bawal lang talaga is bumalik. Once you get out, you cannot enter again,” saad ni Castro sa Philippine Sportswriters Association forum.

Sa ngayon, dalawang manlalaro ang inaabangan sa bubble, ito ay sina LA Tenorio at Japeth Aguilar na kapwa player ng Barangay Ginebra, na inaasahang dumating ngayong linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?