58

Jan 21, 2020 @ 10:30
By

Lastimosa, Manila tinoro ang Mindoro

Nanalanta ng 27 points, 8 rebounds at 5 assists si ex-pro Carlo Lastimosa para rendahan ang Manila Stars Frontrow sa pagtaob sa Mindoro-JAC Liner Tamaraws, 133-101, sa 3rd Chooks-to-Go MPBL Lakan Cup 2019-2020 eliminations Lunes ng hapon, Enero 20, sa Strike Gym. Bacoor City.

“Maganda ang focus ng players namin offensively at defensively from start to finish,” ani Manila coach Tino Pinat. “They just attacked Mindoro’s defense all game.”

May 23-5 panalo-talo ng kartada sa Group A North Division ang Manilenyos para bumuti-buti ang estado pa-playoffs.

Lima pa sa Stars ang tumirada rin ng double figures na kinabibilangan nina Jonjon Gabriel (16 points) Gabby Espinas (15), Marvin Lee (12), Jollo Go (12) at Mac Montilla (10).

Bukod sa magandang opensiba ay naging maganda rin ang ikot ng bola dahil sa 42 assist ng winning team.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?