348

Jan 2, 2019 @ 19:18

Lastimosa, Ababou tapyas sa Columbian Dyip

Alsabalutan na sa Columbian Dyip ang tatlong manlalaro mula sa kanilang lineup noong nakaraang season.

Ayon sa artikulo ng Spin.ph, hindi na pinapirma ng kontrata ang scoring guard na si Carlo Lastimosa, PBA vet Dylan Ababou, kasama si Dan Sara.

Papalit sa kanila sa roster ay ang tatlong rookie nitong nagdaang PBA Draft na sina top pick CJ Perez, JP Calvo at Jeepy Faundo.

Mananatili naman sa koponan ang mga inasahan noong nagdaang season na si Rashawn McCarthy at Jerramy King, kasama pa sina , Jackson Corpuz, Russel Escoto, Andreas Cahilig, Reden Celda, Glenn Khobuntin, Jay-R Reyes, Eric Camson, Roider Cabrera, Jonjon Gabriel at bagong sali na si Keith Agovida na ipinalit kay Ronald Tubid sa San Miguel.

Susubukang bumangon ng koponan mula sa limitadong anim na panalo noong nakaraang season. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?