last-shot
By

‘Last Shot’ ni Jordan, ilalabas na

Sharing is caring!

Hunyo 14 – petsang nakatatak sa milyong fans ng ‘GOAT’ ng NBA na si Michael Jordan kung saan pinukol niya ang game-winning shot upang pagharian ang 1998 NBA Finals, at ang tira ring ‘yon ang kanyang huli para sa Chicago Bulls.

Kaya naman ngayong taon, bilang pagpupugay sa ika-20th anniversary ng kanyang huling laro sa Bulls ay ilalabas na sa merkado sa Hunyo 14 (15 sa Pilipinas) ang Air Jordan 14 ‘The Last Shot’.

Ang retro-inspired design nito ay nakabase sa kulay ng Ferrari, paboritong kotse ng six-time NBA champion na si Jordan, at hindi mawawala ang simbolo ng ‘Air Jordan’ na trademark ng kanyang shoe line.

Ang presyo nito ay aabot sa tumataginting na P 10,124 at mabibili lang sa piling Jordan Brand stores at kanilang online store.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?