38

‘Last piece’ ng painting ni Da Vinci, isusubasta sa NY

Sharing is caring!

Isang Leonardo da Vinci painting, na pinakahuling likha na puwedeng ibenta sa public market, ang tampok sa isang subasta na gagawin sa Miyerkules sa New York.

Naging media sensation ang painting na may deskripsiyon na ‘Holy Grail’ at may starting price na $100M.

Ito’y painting na nagpapakita ng imahe ni Jesus Christ na tinaguriang ‘Salvator Mundi’ (Saviour of the World).

Ang auction ay gaganapin sa Post-War and Contemporary Art Evening sa Christie’s sa New York.

Ito ang pinakatampok sa mga post-war at contemporary art na ibebenta sa subasta.

Ang painting na ito na gawa ng Italian Renaissance na si da Vinci ay pinaniniwalaang kasama sa 20 paintings na mayroon pa sa mundo.

Bukod sa painting ni da Vinci, ilan pang bigating gawang pinta na puwedeng i-bid ng mga art collector ang 1889 Laboureur dans un champ ni Van Gogh na may halagang $50M; at Contraste de formes, isang 1913 art na gawa ni Fernand Leger na may $65M starting price naman.

Isinalarawan lang ng Christie’s ang current seller ng ‘Salvator Mundi’ – na taong 1500s pa – na isang European art collector.

Ang Leonardo’s masterpiece ay inaasahang pinakamahal na maibebenta ng Christie’s.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?