51
views

By

Last 16 sa World Cup kumpleto na

Sharing is caring!

Kumpleto na ang last 16 na maglalabo-labo sa knockout stage ng 2018 World Cup sa Russia.

Huling nakumpirma ang usad ng Belgium at England na top at runner-up sa Group H.

Sa Group A, abante ang Uruguay at Russia, Spain at Portugal (Group B), France at Denmark (Group C), Croatia at Argentina (Group D), Brazil at Switzerland (Group E), Sweden at Mexico (Group F), Colombia at Japan (Group G),

June 30 (July 1 sa Manila) ang siklab ng knockout stages sa Russia.

Laglagan ang Uruguay at Portugal, at France kontra Argentina.

Kinabukasan ay sipaan ang Spain vs. Russia, at Croatia vs. Denmark.

July 2 ang Brazil laban sa Mexico, at Japan vs. Belgium. Kinabukasan ulit ay Sweden vs. Switzerland, Colombia vs. England.

Ang matatalo, uuwi.

Sa quarterfinals posibleng magtagpo sina Cristiano Ronaldo ng Portugal at Lionel Messi ng Argentina kung makakalusot ang kani-kanilang koponan sa unang yugto. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?