66
Lassiter dasal lang tulong sa San Miguel
Aug 6, 2019 @ 22:46
By

Lassiter dasal lang tulong sa San Miguel

Nanghihinayang si Marcio Lassiter na ‘di niya matulungan ang mga kakampi sa San Miguel Beer sa pakikipagbuno sa Finals ng PBA Commissioner’s Cup.

Walang naisagot ang Beermen kay Terrence Jones at yumuko sa opener 109-96 Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Walang magawa si Lassiter kundi mag-cheer sa sidelines.

Out siya ng hanggang anim na linggo habang nagpapagaling mula grade 2 MCL sprain na nakuha noong quarterfinals.

“I always wanna be out there to support my teammates, my brothers, to be out there and just really fight for them,” ani Lassiter, ‘di maipuwersang itapak ang kaliwang paa habang naglalakad palabas ng dugout.

“But you know, I can’t do that right now.”

Kailangan ng Beermen ang sniping ni Lassiter, pero wala siyang magawa.

“It’s tough to just sit there and watch your teammates lose,” dagdag ng 32-anyos na Fil-Am guard.

tapos ng isang season sa Powerade Tigers, nalipat sa San Miguel si Lassiter noong 2012. Naka-pitong kampeonato na siya, lahat sa SMB.

Habang nagpapagaling, sa ibang bagay raw muna niya tutulungan ang teammates. Tulad ng pag-cheer at pagpapalakas ng loob ng mga nasa loob.

“I’m just continuing, praying for this opportunity to recover and get back faster,” panapos ni Marcio. “My teammates still need me in other ways, so I’m just gonna try to provide that.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?