82

Dec 21, 2018 @ 18:01
By

Lasog na bangkay, lumutang sa Pasig River

Isang hindi na makilalang naaagnas bangkay, putol ang binti at walang lamang loob ang natagpuang lulutang-lutang sa ilog ng Pasig.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nakita ang bangkay bandang alas-kuwatro, Huwebes ng hapon malapit sa G. Salonga St., Barangay Bagong Ilog, Pasig City ng mga kabataang naglalaro malapit sa Pasig River.

Akala umano ng mga bata na manikin ang nakitang lumulutang at nang lapitan sa may baybay ay bangkay na tao umano ang lumulutang kaya nagtakbuhan ang mga bata at isinumbong sa barangay ang nakita.

Agad na inireport sa barangay at sa PCP 10 ang nakitang bangkay na mabilis namang nirepondehan ng mga pulis.

Ayon sa imbestigator na si Insp. Abraham Satorre nang kanilang siyasatin ang natagpuang bangkay ay halos hindi na makilala dahil nasa stage of decomposition na umano ito na halos nabubulok na. Hindi na rin makita ang kasarian ng bangkay, walang binti at mga dalari sa kamay at paa at wala na rin lamang -loob.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?