64

By

Lasing, walang helmet: 2 na tindeyer nadale sa motorsiklo

Patay ang backrider, habang malubhang nasugatan naman ang nagmamaneho matapos bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa poste ng kuryente sa Agoncillo, Batangas, Sabado ng madaling araw.

Ayon sa ulat ng Agoncillo police, dead on arrival sa ospital ang biktimang si Jerome Mortel, 19, matapos magtamo ng mga pinsala sa ulo at katawan.

Inoobserbahan pa naman ang 19-anyos na motorcycle driver na si Kevin Mercado.

Galing sa bayan ng Lemery, sakay ng Sniper 150 motorcycle ang dalawa at patungo sa kabayanan ng Agoncillo nang mawalan ng kontrol sa manibela si Mercado at biglang sumalpok sa poste na nasa gilid ng highway, alas-dos ng madaling araw .

Palusong umano ang kalsada at matulin ang takbo ng motorsiklo, bukod pa sa nakakainom ang dalawa, kaya umano nangyari ang aksidente.

Napag-alaman na wala ring suot na crash helmet ang mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?