15

By

Lasing, nanapak ng totoy, kulong sa Marikina

Sharing is caring!

Kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos pagtripang sapakin ang isang naglalakad na totoy na inutusang bumili ng mineral water, kamakalawa ng hapon sa Barangay Industrial Valley Complex, Marikina City.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang suspek na si Kenneth Mendoza y Basig, 31-anyos, walang trabaho at residente ng nasabing barangay.

Ayon sa reklamo ng 37-anyos na ama ng batang si Totoy, 13-anyos, estudyante, inutusan niya ang anak na bumili ng mineral water sa refilling station bandang alas 3:00 ng hapon sa kanto ng De Guzman St., subalit umuwi itong umiiyak at nagdurugo ang bibig.

Isinumbong nito sa ama ang ginawang pananapak ng suspek na basta na lamang umano siya nilapitan at sinapak ng walang nalalamang dahilan.

Agad na inireklamo ng ama sa Barangay IVC ang ginawa ng suspek na dinakip naman at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 7610 o physical abuse.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?