251

Jul 29, 2018 @ 13:04
By

Lasing nalunod sa ilog sa Pangasinan, patay

DAHIL sa kalasingan, isang 36-anyos na lalaki ang patay matapos malunog nabang naliligo sa isang ilog sa Villasis, Pangasinan noong Huwebes.

Kinilala ni Villasis Police Station (VPS) commander Chief Inspector Brendon Palisoc ang biktima na si Raffy Gavina, ng Barangay Caramutan sa nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, ayon kay Palisoc, bago mangyari ang insidente ang biktima kasama ang kaibigang si Santiago Velicarta, 51, ng nasabing barangay.

Natapos silang uminom, nagyakag ng umuwi si Velicarta ngunit naisipan muna ni Gavina na maligo ito sa ilog kung kaya’t iniwan na siya ng kanyang kainuman.

Ayon sa pulis, pagkalipas ng ilang oras, nakita ng mga ilang residente malapit sa ilog ang katawan ng biktima na palutang-lutang sa tubig.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa ng VPS kung may nangyaring foul play o wala sa pagkalunod ni Gavina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?