155

Apr 22, 2018 @ 0:36
By

Lasing na traffic enforcer, 2 pa dinampot sa pagtakas sa checkpoint

Arestado ang 3 kalalakihan na tumakas sa Comelec check-point sa Pateros Sabado ng gabi.

Kinilala ng Pateros Police ang mga inaresto nito na sina Genino Ortilla (22), isang traffic enforcer, Leonard dela Cruz (18) at isang alyas Brian (25).

Sa kwento ng mga pulis, inilagaan ng mga suspek na sakay ng motorsiklo ang kanilang check-point sa A. Alameda sa Barangay Martirez dahilan para habulin nila ang mga ito.

Nang abutan, hiningan ng mga pulis ng mga dokumento ang grupo pero sa halip na tumalima ay binastos pa sila ng mga lasing na suspek.

Dinala na sa presinto ang tatlo na nakatakdang sampahan ng Pateros Police ng kasong serious disobedience to a person of authority.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?