216

Nov 24, 2017 @ 12:10
By

Lasing na Saudi national, arestado sa pagwawala sa eroplano

Inaresto ng mga tauhan ng Airport Police Department sa NAIA Terminal 1 ang isang lasing na Saudi national dahil sa pagwawala habang nasa himpapawid ang sinasakyang eroplano kamakalawa ng umaga.

Base sa reklamo nina Capt. Shareef Mammon, ng Flight GF 134 at Gulf Air Representative Denver Dulatre, nakipagtalo si Mohammed Abdulrahman sa mga flight attendant nang subukan siyang payapain ng mga ito dahil sa reklamo ng ibang pasahero.

Paglapag ng eroplano sa NAIA ay inaresto na si Abdulrahman at nagpatuloy pa ang kanyang pagwawala hanggang sa iharap siya sa mga immigration officer.

Hindi na pinayagan si Abdulrahman na makapasok ng Pilipinas at inaasahan na pababalikin na ito ng Bahrain.

Bukod dito, inilagay na rin ito sa watchlist ng Immigration Bureau dahil sa pagiging undesirable alien. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?