23

By

Laruang ‘deadly weapons’ bawal na sa Makati

Sharing is caring!

Hanggang sa pagkakakulong ang maaaring ipataw na parusa ng korte sa mga mahuhulihan ng mga laruan ng karahasan sa Makati City.

Ito ay matapos ipasa ng Sangguniang Panglungsod ang ordinansa na nagbabawal na sa pagdadala ng mga plastic na replika ng kutsilyo, balisong, asero o knucles at iba pang laruan na katulad ng mga tinaguriang deadly weapons.
Agad na pinirmahan ni Mayor Abby Binay ang resolusyon ng konseho.

Ayon kay Binay marami na siyang natanggap na mga reklamo mula sa mga magulang ukol sa mga laruan na ginagamit sa pananakot at pananakit ng mga estudyante sa mga kapwa nila estudyante.

Gayundin aniya, may mga ulat na ang mga naturang laruan ay ipinagbibili sa mga establisyimento na malapit sa mga paaralan.

Ang mga mahuhuli ay pagmumultahin ng hanggang P3,000 at ang mga magbebenta naman ay maaaring bawian ng kanilang business permit. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?