By

Larry O’Brien trophy ‘itinakas’ ni Curry

Sharing is caring!

PUNO ng sorpresa ang nagdaang championship parade ng Golden State Warriors na dinaluhan ng libu-libong fans sa Oakland, California Martes ng madaling araw sa Pilipinas.

Nasa gitna ng interbyu si two-time NBA MVP Stephen Curry nang bigla itong tumakbo papalapit sa crowd na naging dahilan upang habulin siya ng security.

Kinuha rin niya ang 2017-2018 Larry O’Brien trophy at pinahawak sa fans habang tumatakbo.

Patuloy naman ang patama ng three-time All-star na si Draymond Green sa Cavaliers na sinabing hindi kinamayan ang Cleveland center na si Tristan Thompson sa Game 4 dahil hindi raw sila magkalebel.

Nakisawsaw pa si Warriors’ rookie Jordan Bell na may dalang walis bilang simbolo sa pag-sweep nila sa Cleveland Cavaliers.

Natuwa naman ang fans kay two-time reigning NBA Finals MVP na mukhang inosente dahil hirap na hirap mabuksan ang bote ng champagne at nanghingi pa ng tulong.

Dahil sa masayang karanasan, gigil na muli si Curry upang madepensahan ang tropeo sa pangatlong beses.

“We are going to try to get greedy and go get some more,” ayon sa panayam ni Curry sa CSN. (Ray Mark Patriarca)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?