34

Mar 6, 2018 @ 16:23

Larry Nance Jr. kumawala sa Cavaliers, binistay ang Pistons

Nagtrabaho muna ng 31 points si LeBron James bago umupo sa bench, habang naabot ni Larry Nance Jr. ang career highs na 22 points at 15 rebounds sa Cleveland, para isara ng Cavaliers ang limang sunod na pagkatalo sa kanilang home court, 112-90, laban sa Detroit Pistons nitong Lunes (Martes, oras sa Pinas).

Dahil wala ang tatlo nilang big men — All-Star Kevin Love, Tristan Thompson at Jeff Green – dahil sa injuries, kailangan ng Cavs ng sasalo dito, na ginawa ni Nance.

Halos nakaupo lang sa buong fourth quarter si James matapos makapagpundar ng kalamangan ang Cavs.

Napuwersa si Cavs coach Tyronn Lue na baguhin ang starting lineup niya para punan ang mga injured players.

Si James ang nanguna sa Cleveland pero si Nance ang kumawala sa adbentahe ng Detroit sa malalaking players.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?