11

Jan 24, 2021 @ 10:45

Larry King, Marlon Brando nagtukaan

Sa libu-libong personalidad na nakapanayam ni Larry King, isa sa mga tumatak sa madla ay ang interview niya kay American actor-director Marlon Brando.

Noong Oktubre 1994, kinapanayam ni King si Brando sa bahay nito. Ineendorso ng huli ang libro nitong “Songs My Mother Taught Me.”

Sa huling bahagi ng panayam, nag-duet ang beteranong broadcaster at ang Oscar winner ng kantang “Got a Date with an Angel.”

Sa pagitan ng pagsabi ng, “darling, goodbye,” saglit na hinalikan ni Brando si King sa labi.

Doon nagwakas ang interview na nasaksihan sa mga telebisyon sa Amerika.

Ngayong 2021, yumao na sa edad na 87 ang nasabing legendary host sa Cedars-Sinai Medical Center sa Los Angeles.

Hindi tinukoy ang kanyang cause of death pero ngayong buwan ay napaulat na naospital siya dahil sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?