16

Apr 18, 2021 @ 14:00
By

Laro sa VisMin Cup sinuspende ng GAB

Sinuspende ng Games and Amusements Board (GAB) ang mga laro sa Mindanao leg ng Pilipinas VisMin Super Cup.

Ito’y kasunod nang nangyaring kontrobersya sa laban ng ARQ Builders Lapu-Lapu City at Siquijor Mystics, kung saan may alegasyon ng bentahan ng laro.

“The Games and Amusements Board today suspended the Mindanao leg of the VisMin cup and put the league for re-evaluation,” ayon sa GAB.

“We are in the process of investigation and seriously looking into the allegations of wrongdoing. The board would like to further observe the ongoing Visayas leg before giving a go signal for the other,” lahad pa ni GAB chairman Baham Mitra.

Tuloy naman ang kasalukuyang Visayas leg sa VisMin Cup sa kabila ng pagkatanggal ng Siquijor sa naturang liga.

Inaasahan na sa May 20 sana magsisimula ang Mindanao leg, na lalaruan ng siyam na koponan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?