32

Oct 30, 2020 @ 14:15
By

Laro sa PBA pinahinto ng gobyerno

Wala munang mapapanood na mga laro sa PBA simula nitong Biyernes, October 30.

Batay sa nilabas na statement ng liga, pinag-utos ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease na suspendihin muna ang mga laro sa PBA.

Gagawa ng bagong protocol ang liga alinsunod sa mga rekumendasyon ng IATF at Department of Health.

“In compliance with the recommendation of the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) Technical Working Group and the Department of Health (DOH) Advisory Group of Experts and to ensure the integrity and safety of the PBA Bubble, the league is postponing the games starting TODAY, October 30 – Friday, until the new protocols proposed by the IATF and DOH are out in place,” lahad sa statement.

Matatandaan na magkakasunod na nagsuspende ng laro sa 2020 PBA Philippine Cup matapos na maging suspected COVID-19 case ang isang player ng Blackwater Bossing, na kaagad ding nagnegatibo sa isinagawang antigen at RT-PCR test.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?