18

Jul 21, 2021 @ 16:09
By

Laro ng TNT, Terrafirma postponed ngayong linggo

Nabago nang bahagya ang schedule ng mga laro sa PBA ngayong linggo kaugnay pa rin ng pagpositibo ng apat na manlalaro ng TNT Tropang Giga.

Postponed muna ang laro ng TNT kontra Meralco sa Sabado at ang laban ng Terrafirma kontra Rain or Shine sa Biyernes.

Kaya mula sa orihinal na triple-header ay dalawa na lamang ang laro sa Biyernes, sa pagitan ng Ginebra at Blackwater sa alas-3:00 p.m. ng hapon at bakbakang NLEX at San Miguel sa alas-6:00 p.m. ng gabi.

Double-header din ang ganap sa Sabado kung saan sa dakong alas-2:00 p.m. ng hapon ay maghaharap ang Rain or Shine at Meralco habang alas-4:35 p.m. naman ang banggaang Alaska at Phoenix.

Naka-isolate ngayon ang mga manlalaro ng TNT at Terrafirma.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?