8

By ,

Laro ng NCAA suspendido dahil sa ‘Ompong’

Sharing is caring!

Dahil sa banta ng masamang panahon dala ng bagyong ‘Ompong’, nagpasya ang pamunuan ng NCAA na ipagpaliban ang laro ngayong araw.

Maghaharap sana ngayong araw ang Arellano University at San Sebastian College sa unang salang ng seniors’ division ng liga ganap na alas-12:00 ng tanghali.

Susundan ng laro sa pagitan ng host school na University of Perpetual Help System Dalta at defending champ na San Beda University sa alas-dos, habang alas-kwatro naman ang sagupaang College of Saint Benilde at Letran.

Ang nasabing mga laro ay ire-reschedule sa mga susunod na araw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?