92

Dec 20, 2017 @ 19:23
By

‘Larawan’ sasandal sa block screening

Maganda ‘yung idea ng mga taga-‘Ang Larawan’ na tumanggap ng mga gustong magpa-block screening ng kanilang pelikula once na magsimula na itong ipalabas bilang parte ng Metro Manila Film Festival.

Maganda raw kasing gamitin ng ilang mga grupong nagpa-fundraiser ang pagba-block screening ng kanilang pelikula. Ang pang-come on nila, once na magpa-schedule ng block screening, libre na ang appearance ng isa sa mga artista ng ‘Ang Larawan’.

Lahat nga pala ng klase ng pagma-market ng kanilang pelikula ay ginagawa nila para masigurado ang kanilang box-office success!

Bale 25 million pesos daw kasi ang production budget ng ‘Ang Larawan’ nina Paulo Avelino, Rachel Alejandro at Joanna Ampil, kaya kailangang kumita ang pelikula ng mga 75 million pesos para makapag-break even man lang sila sa kanilang puhunan!

Sa mga gusto nga palang magpa-block screening, puwede kayong komontak sa 09178380319.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?