716
puppy1
May 12, 2018 @ 17:20

Larawan ng tuta na mukhang ari, na-ban sa Facebook

Isang larawan ng isang bagong panganak na tuta ang tinanggal ng Facebook mula sa local animal lovers group dahil sa itsura nito.

Nagdesisyon umano ang Facebook na tanggalin ang picture ng tuta dahil mukha itong ‘erected na penis’ na hindi nakatugon sa ‘community standards’ nito.

Si Dominic Ibaos, 16, ang nag-share ng picture na ito habang natutulog ang kanyang tuta sa kanyang kamay.

Walang buhok sa katawan ang tuta at may kulubot na ulo.

Sinabihan si Ibaos ng Facebook na tinanggal nila ang picture dahil hindi ito sumunod sa community standards.

Ayon kay Ibaos na taga-Davao City: ‘It’s really hard for me to see the penis perspective because when I look at it I always just see the puppy.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?