1,467

Dec 26, 2018 @ 17:31
By

Larawan ng ‘James Gang’ patok agad sa Instagram

Nitong December 25 ilang oras bago hinamon ni LeBron James at ng Los Angeles Lakers ang two-time champion Golden State Warriors, gumawa ng ingay sa social media si Savannah James.

Nag-post sa Instagram si Mrs. James ng picture nilang mag-asawa kasama ang tatlong anak na sina LeBron Jr., 13, Bryce, 11, at Zhuri, 3.

Pare-pareho ng suot ang pamilya, kulay pulang overalls na may dekorasyong pang-Christmas – parang Christmas wrapper.

Sa likod nila ang sculpture ng pinagpatong-patong na korona ng hari – The King na si LeBron.

Nilagyan ni Savannah ang photo ng caption na “Merry Christmas from the James Gang!”

Patok agad sa 1.1 million Instagram followers ni Savannah ang photo.

Pinagdiwang ni Savannah, 32, ang fifth wedding anniversary nila ng kanyang high school sweetheart na si LeBron noong September.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?