83
phillip salvador
Jan 11, 2018 @ 15:53
By

‘Larawan’ malapit sa puso ni Phillip

Hindi pa napapanood ni Phillip Salvador ang ‘Ang Larawan’, ang Best Picture ng 43rd Metro Manila Film Festival pero nabalitaan niya na maganda ang pelikula.

May soft spot sa puso ni Phillip ang ‘Ang Larawan’ dahil nagbida siya bilang Tony Javier sa stage adaptation ng literary play ng National Artist na si Nick Joaquin na itinanghal noong 1979 sa Rajah Sulayman Theatre sa Intramuros.

Ang National Artist na si Lino Brocka ang direktor at ang mga mahuhusay na aktres na sina Lolita Rodriguez at Charito Solis ang gumanap na magkapatid na Candida at Paula Marasigan sa stage adaptation ng ‘Ang Larawan’.

Para kay Phillip, malaking karangalan na nakatrabaho niya noon sina Brocka at Joaquin na mga National Artist at ang dalawa sa mga pinakamahuhusay at nirerespeto na aktres ng bansa, sina Lolita at Charito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?