33

Jun 28, 2020 @ 17:17
By

Laptop ng mga guro isama sa 2021 budget – solon

Hinikayat ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera ang Malacañang na isama sa panukalang national budget para sa 2021 ang pambili ng Department of Education (DepEd) ng laptop sa 880,000 public school teacher sa bansa.

“We hope that a budget for the purchase of laptops for all teachers in public schools will be included in the 2021 National Expenditure Program to be submitted by Malacañang to Congress in July or August,” sabi ni Herrera.

Ayon sa mambabatas, napakahalaga ng laptop para sa mga public school teacher ngayong nilalarga ang online teaching bilang bahagi ng distance at blended learning program ng DepEd ngayong school year na ito.

“We have to make sure that our teachers are equipped with at least the most basic technology tool for online teaching, which is a laptop,” lahad nito.

Nauna nang sinabi ng DepEd na mahigit P27 bilyon ang kakailanganing pondo para mabigyan ng laptop ang lahat ng guro sa pampublikong paaralan.

Giit ni Herrera, malaki man ang magugugol na pondo para rito ay hindi naman ito masasayang dahil mapapakinabangan nang husto ng mga guro.

“By having a laptop, teachers can enhance the curriculum, providing students with extensive research opportunities, access to up-to-date information and many other learning benefits,” punto ng mambabatas.

Sabi ng DepEd, sa katapusan ng taong ito, 190,574 laptop ang magagamit ng 22 porsiyento ng teaching force ng DepEd.

Ang natitirang 79 porsiyento naman o mahigit 680,000 guro ay masasakop ng spending program na isusumite ng Palasyo sa Kongreso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?