98
abante-tnt-vismin-mark-lapid-wanda-teo

Lapid, Teo inireklamo ng graft kaugnay ng Bora sewage system deal

Sharing is caring!

Nahaharap sa reklamong katiwalian sina dating Philippine Tourism Authority (PTA) General Manager Mark Lapid, dating Tourism secretaries Wanda Teo, Mon Jimenez at iba pang opisyal kaugnay sa maanomalyang kontrata sa Manila Water Company Inc. (MWCI) para sa isla ng Boracay.

Dalawang residente ng Boracay ang nagsampa ng kaso na sina Rod Padilla at Roberto Gelito kung saan inakusahan ng mga ito si Teo, asawang si Roberto Teo at ilan pang opisyal ng TIEZA na lumabag sa anti-graft law.

Nagkutsabahan umano ang mga opisyal ng TIEZA (dating PTA) sa pag-apruba sa joint venture agreement sa MWCI.

Maliban umano kina Lapid, Teo at Jimenez, kabilang din sa respondents sina Environment Secretary Roy Cimatu, Public Works Secretary Mark Villar at dating executives ng Department of Tourism.

Pumasok umano sa kasunduan ang TIEZA at MWCI na magpapaunlad sa turismo ng Boracay.

Nagbigay ng proposal ang MWCI noong Hulyo 2008 na inaprubahan ng TIEZA ng Nobyembre ng kaparehong taon.

Na-award ang kontrata sa MWCI noong Abril 14, 2009 dahil wala umanong proposal mula sa private sector.

Pero ayon sa mga nagreklamo, hindi isinapubliko ng board ang imbitasyon para sa comparative proposals mula sa private sector.

Ayon kina Padilla at Gelito, sinadya umano ito ng board members at officers ng TIEZA at nagkutsabahan para maibigay ang Notice of Award sa MWCI.

Sabi pa sa reklamo, 80 porsiyento ng kontrata na nagkakahalaga ng P240 milyon ay ini-award sa MWCI habang nakatanggap lang ang TIEZA ng P60 milyon mula sa kontrata.

Malinaw umanong ““manifestly and grossly disadvantageous” ito para sa gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?