174

Oct 25, 2018 @ 19:02
By

Lapeña walang sama ng loob kay Duterte: Na-promote ako!

Bagamat nasorpresa ay nagpasalamat si dating Bureau of Customs Chief Isidro Lapeña sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilipat siya sa TESDA, o Technical Education and Skills Development Authority.

Sinabi ni Lapeña na hindi sumama ang loob niya sa Pangulo dahil promosyon ang bago nitong puwesto na may cabinet rank.

Naiintindihan niya ang paglilipat sa kanya ng Presidente at bahagi lamang aniya ito ng pagsusulong ng reporma s a gobyerno.

Bilang kawani ng gobyerno, sinabi ni Lapeña na dapat isiping kahit anong oras ay maaari siyang mailipat sa ibang trabaho o tanggapan.

Tiwala ang opisyal na nananatili pa rin ang kumpiyansa sa kanya ni Pangulong Duterte dahil kung hindi ay hindi sana siya binigyan ng panbibagong puwesto sa gobyerno.

“Ngayon ko lang nalaman, it’s a promotion for me. It’s his way of instituting reforms and I respect that.”

“I’ve given another job and that is a promotion, cabinet secretary yan. and I would like to thank the President for this another opportunity to serve in another capacity. Hindi ako nagulat but any government employee should expect na anytime puwede naman tayong magkaroon ng movement,and for me this is a movement upward. Kasi this is an upward movement, cabinet rank. Yung TESDA is another important agency ng government,” ani Lapeña.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?