34

By

Lapeña walang pananagutan sa naipuslit na shabu – solon

Sharing is caring!

Maagang inabsuwelto ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers si dating Customs commissioner Isidro Lapeña sa anumang pananagutan sa naipuslit na shabu sa bansa sa ilalim ng kanyang liderato sa Bureau of Customs (BOC).

Ginawa ng kongresista ang pahayag kahit hindi pa tapos ang isinasagawang imbestigasyon ng House committee on dangerous drugs na pinamumunuan nito sa paglusot sa BOC ng bilyones na halaga ng iligal na droga.

“Personally, wala akong nakikitang kinalaman ni Commissioner Lapeña dyan sa pagpapalusot ng mga ilegal na shipments o kargamento,” sabi ni Barbers.

“If [command responsibility] would be considered, I don’t think it would apply in a criminal situation such as smuggling of illegal drugs. Then, sa tingin ko wala pa ring ganu’ng kabigat na accountability si Commissioner Lapeña,” dagdag ng kongresista.

Unang inakusahan ni Deputy Collector Ma. Lourdes Mangaoang si Lapeña na pinagtatakpan ang mga sindikato ng iligal na droga kaugnay ng pagpasok ng mahigit isang tonelada ng shabu noong Agosto. Mariing itinanggi ni Lapeña ang alegasyon.

Matatandaang, noong una ay hindi kumbinsido si Lapeña na mayroong laman na shabu ang nadiskubreng mga magnetic lifter sa warehouse sa Cavite, pero kumambyo ito makaraang marinig ang mga testimonya sa hearing ng Kamara.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?