28

By

Lapeña nilinis ni Gordon sa nawawalang P11B shabu

Hindi umano irerekomenda ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Senator Richard Gordon na sampahan ng kasong kriminal si dating Bureau of Customs (BOC) chief Isidro Lapeña kaugnay ng naipuslit sa bansa na P11 bilyong shabu shipment.

Sa pagharap sa mga mamamahayag nitong Lunes, naitanong sa senador kung magrerekomenda ito ng criminal cases laban kay Lapeña matapos ang naging paglilitis ng Senado sa P11 billion shabu shipment.

Aniya, wala umanong makitang pagkakaugnay ni Lapeña sa umano’y drug smugglers na sina dating Philippine Drug Enforcement Agency deputy chief Ismael Fajardo, Police Colonel Eduardo Acierto at sa nagbitiw na Customs intelligence officer na si Jimmy Guban.

Matatandaang nagbitiw bilang hepe ng Bureau of Customs si Lapeña matapos masangkot sa shabu smuggling.

nitong sabihin na sa tingin niya’y naglalaman ng iligal na droga ang natagpuang magnetic lifters sa Cavite.

Matapos ay itinalaga siya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang head ng Technical Education and Skills Development Authority.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?