306

Oct 30, 2018 @ 14:21
By

Lapeña nanumpa na kay Duterte

Opisyal nang nanumpa kay Pangulong Rodrigo Duterte si bagong Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) Director General Isidro Lapeña.

Ang oath taking ni Lapeña ay ginanap sa Davao City kung saan ngayon naroon si Pangulong Duterte.

Matatandaang noong Huwebes ng nakalipas na linggo lamang inianunsiyo ng Pangulo ang bagong puwesto ni Lapeña matapos ilipat mula sa Bureau of Customs.

Ayon sa Pangulo, promotion ang bagong puwesto ni Lapeña dahil cabinet rank ang pagiging pinuno ng Tesda.

Maraming pumuna sa naging aksiyon ng Pangulo dahil sa halip na sibakin ay iniligtas nito si Lapeña sa kontrobersiya matapos malusutan ng ilang toneladang shabu sa BOC ng kanyang mga tauhan.

Kinukuwestiyon ng ilang opposition senators ang pag-appoint kay Lapeña sa Tesda dahil sa halip na i-promote ay dapat itong parusahan dahil napalusutan ng sindikato na indikasyong may kapabayaan umano sa kanyang pangangasiwa sa ahensiya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?