72

Feb 6, 2019 @ 16:38
By

Lapeña inabsuwelto ng House committees sa drug smuggling

Hindi nagrekomenda ang dalawang komite sa Kamara na kasuhan si dating Bureau of Customs (BOC) Chief Isidro Lapeña kaugnay sa pagpasok sa bansa ng bilyong pisong illegal drugs shipments noong nakaraang taon.

Kapwa inaprubahan ng committee on dangerous drugs and good government and public accountability ang kanilang committee report hinggil sa ginawa nilang inquiry tungkol sa patuloy na pagiging inutil ng ahensiya na mapigilan ang large-scale smuggling ng illegal drugs sa bansa.

Ayon sa dalawang komite, hindi nila nakitaan ng pagkakaroon ng pananagutan si Lapeña sa naturang shipments.

Bagkus, inirekomenda nitong imbestigahan at kasuhan sina dating Customs intelligence officers Jimmy Guban, dating police Sr. Supt. Eduardo Acierto at dating Dep. Director Ismael Fajardo.

Dapat din umanong kasuhan ang may-ari ng mga sasakyan na ginamit para makapasok sa warehouse sa Cavite kung saan natagpuan ang magnetic lifters.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?