63

By

Lapeña hugas-kamay sa kaso ng dating PDEA official na natimbog sa droga

Sharing is caring!

Mariing itinanggi ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Isidro Lapeña na nakialam siya sa operasyon noong December 2016 ng National Bureau of Investigation (NBI) kung saan sinasabing naaresto si Dating PDEA Deputy Director General Ismael Fajardo Jr.

Nang mga nabanggit na panahon, si Lapeña ay ang tumatayo pang pinuno ng PDEA.

Si Fajardo ay kasama sa mga binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot umano sa pagre-recycle ng mga nasamsam na shabu base sa special report mula sa intelligence network.

Pero sa isang statement, tahasang pinabulaanan ni Lapeña na nakialam siya sa kaso ni Fajardo.

“I categorically state that I did not meddle in the said case. I encourage anyone to verify this from the NBI,” saad ni Lapeña.

Kailanman ay hindi umano siya papagitna sa nasabing mga kaso.

At kung sakali man aniyang totoo nga ang paratang laban kay Fajardo, hindi raw ito nangyari sa ilalim ng kanyang panunungkulan bilang PDEA Director General.

“I do not tolerate illegal acts… If this case of drug peddling by Fajardo indeed happened, it was not during my time,” dagdag ng commissioner.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?