88
ABANTE rep robert ace barbers term extension
By

Lapeña ‘di dapat maparusahan – Cong. Barbers

Naniniwala si Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, na hindi sapat ang naging P11-B smuggled shabu upang makasuhan si dating Bureau of Customs (BoC) Commissioner Isidro Lapeña.

Sa kanyang naging panayam, sinabi ni Barbers na wala umanong ginawa si Lapeña kaugnay ng mga kargamentong naglaman ng shabu.

Sa tingin ko, hindi (siya dapat ma-prosecute). If we will apply iyong principle of chain of command maaaring meron siyang accountability doon, pero hindi enough basis para sa akin to prosecute him,” pakli niya.

“For what, diba? There was no document that he signed, there was no document he released para mapa-release iyang mga kargamentong iyan,” dagdag niya pa.

Nanindigan din si Barbers, chair of the House committee on dangerous drugs, na wala umano sa karakter ni Lapeña ang pagiging kurakot, at dapat ang panagutin ay ang mga nagpadala ng shipment at hindi ang dating commissioner.

Wala namang bahid ng korapsyon ang taong iyan simula nang siya ay manilbihan bilang miyembro ng PNP (Philippine National Police), hanggang sa naging PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency), hanggang sa naging BoC commissioner,” pahayag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?