72

By

Lapeña dapat managot sa lumusot na shabu – Gordon

Kasamang umanong dapat makastigo sa pagpupuslit ng mahigit ilang tonelada ng shabu si dating Bureau of Customs (BOC) Commissioner Isidro Lapeña.

Sinabi ni Senador Richard Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, na dapat panagutan ni Lapeña ang paglusot ng droga dahil ito ang tagapamuno noon ng BOC.

“Ang nangyari napasukan siya ng droga. Under the doctrine of command responsibility, still siya ang in charge. Dapat managot nang nang kaunti o malaki dahil sa kanya dumaan, under his watch,” pahayag ni Gordon sa panayam sa radyo.

Idiniin ng senador na ang pananagutan o krimen ay hindi lamang sa partisipasyon dito kundi kapag nagpabaya o kaya ay wala ginawa upang mapigilan ang krimen.

Matatandaan na agad sinabi ni Lapeña na walang droga ang apat na magnetic lifter na lumusot sa BOC at natagpuan sa isang bodega sa GMA, Cavite.

Nakipagbangayan pa ito kay PDEA Director General Aaron Aquino na giniit na pinagsidlan ang mga magnetic lifter ng 1.6 tonelada ng shabu.

Dahil dito, sinabi ni Gordon na pababalikin niya si Lapeña sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa Huwebes.

“He is not off the hook. ‘Di ba sinabi ko, he is not yet off the hook,” diin pa ng mambabatas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?